Friday, April 22, 2016

Tips para maka iwas sa SCAM online

Tips to Avoid Online Scam " Payo upang makaiwas sa Panloloko"


1. Ugaliing Tignan at Siguraduhing Legit ang Isang Online Store, Paano?

*Tignan ang Dami ng Likes sa Page, Kadalasan ang Legit Online Stores ay may mataas na like. e.g. 1 thousand hanggang 1 million likes

*Tignan ang Reviews, Makikita sa Reviews ang mga transaction ng ibang tao sa Isang Online Store at kung gaano nila ito nagustuhan.

*Magtanong sa Karamihan, Tiyak na may ideya ang ating mga kaibigan kung sinu ang Mga legit store at Scammer lamang. Pwede natin silang tanungin.

*Magtiwala sa iyong Hinala, Kung pakiramdam mo ay Scammer ang isang Online Store tignan at Hanapin muli ang Likes, Reviews at Public Opinion sa iyong Kausap. Kadalasang tama ang ating hinala kaya bigyan ito ng Pansin.

2. Ang mga Legit Online store ay Gumagamit ng "Page" at hindi "Personal Account" .

*Fake Account, Kadalasang Pinipeke nila ang Page ng isang Legit Online Store sa pamamagitan ng pagawa ng "Personal Account"  na kung saan ninanakaw nila ang Cover Photo, Profile Picture at iba pang Detalye ng tunay na Account. Kadalasan silang nagpapangap na Admin, o Staff bilang alibay kaya sila gumagamit ng Personal Account.
*Friend Request, Pag nakatanggap ka ng Friend request sa isang Online Store, maaring Scam lamang ito. Paano?

*Interest, Karamihan ng mga scammer ay Interesado sa Biktima kaya sila mismo ang Nag-add sa mga ito.

*First time Online Buyer, Madalas na tinatarget ng mga Scammer ang mga First timer, Bakit? Dahil Madalas na ina-Accept nila ang Friend Request ng Scammer dahil sa kagustuhan na Makadiskwento o magkaroon ng ng mga Privilege.

*Blocking, Madaling iwanan ng Scammer ang kanilang mga nascam gamit ang Personal Account.

3. "Too Good to be True" , Kadalasang puro magagandang Offer lang ang matatangap sa mga Scammer dahil nga itoy Panloloko lamang.

*Accuracy, Kadalasan ang Scammer ay mabilis sumagot sa Pm dahil Yes lang sila ng Yes sa Demand ng mga Online Buyer. Bakit? Dahil hindi nila alam o wala silang access sa tunay Produkto ng Original na Online Store. Kadalasan mabilis silang sumagot sa mga Tanong at lahat ay laging Available.

*Walang Invoice, Ang mga scammer ay gagawin lahat upang Umabot sa Bayaran ang Transaction. Dahil nais nila na makascam pinagtutuunan at pinagpipilitan nila ang Pagbayad sa kanila kahit walang Invoice. Hindi sila nagfofocus kung madedeliver ba ang item. Payment lang ang gusto nila.

*Service, Kadalasang Friendly sila sa Una upang kunin ang loob ng Biktima ngunit kadalasan lumalabas sa kanila ang pagiging hindi professional lalo na paghindi nila makuha ang Bayad.

*Offers, Free Shipping, Discount, But 1 take one ay isa sa mga Peke at Pang-inganyo ng mga Scammer na makipagtransact sa kanila ang mga biktima.


Para sa legit business online, mag iwan ng comment o message ako sa facebook at viber.

Facebook: Wilmer Ray Ayao
Viber: +639 391627056

No comments:

Post a Comment